Home ENTERTAINMENT Ryzza Mae, ‘pinatay’ sa FB!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ryzza Mae, ‘pinatay’ sa FB!December 6, 2024 09:381460 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Higit pa sa sira ulong walang magawa sa buhay ang nasa likod ng “pagpatay” kay Ryzza Mae Dizon sa Facebook.Naka-post ngayon ang larawan ng dating Little Miss Philippines grand winner na napapaligiran ng mga bulaklak.May picture din si Bossing Vic Sotto na nagsasabing: “Mahal na mahal kita, Ryzza. Para na kitang anak.“Hinding-hindi ka namin makakalimutan.”Sa comment section, higit pa sa galit o pagkadismaya ang general sentiment ng mga netizens.Isinusumpa ng mga ito kung sinuman ang may pakana nito.Dapat daw ay maipakulong ang mga ito.Dapat din daw itong karmahin.Hindi rin daw ba naisip ng perpetrator nito na maaaring may buwelta sa ginawa niya sa kanyang kapwa?Assurance naman ng ilang netizens kay Ryzza, huwag daw mag-alala dahil hahaba pa ang buhay nito.Si Ryzza Mae ang latest addition sa humahabang listahan ng mga artistang “pinapatay.”Kung matatandaan, hindi rin nakaligtas si Bossing mismo sa fake news na ito noong isang taon.Naka-post sa FB last year: “Breaking news: Vic Sotto namaalam na sa edad na 68.”A year has already passed at buhay na buhay pa si Bossing!At may entry pa sa MMFF this year, huh! Ronnie Carrasco III