MANILA, Philippines – Walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang magnitude 7 na lindol sa Northern California, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Biyernes, Disyembre 6.
“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” saad sa abiso ng PHIVOLCS.
Ayon sa PHIVOLCS, tumama ang magnitude 7.0 na lindol malapit sa baybayin ng northern California bandang 2:44 ng madaling araw ng Biyernes.
May lalim itong 13 kilometro.
Inilikas naman ang mga residente sa coastal towns ng northern California matapos itaas ang tsunami warning na kalaunan ay binawi rin.
Wala naming iniulat na nasawi o nasaktan sa lindol. RNT/JGC