Home METRO 3 pulis nilamon ng ilog

3 pulis nilamon ng ilog

226
0

CALANASAN, Apayao- Lumutang ang bangkay ng tatlong pulis sa ilog matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka dahil sa malakas na agos ng tubig sa ilog bunsod ng malakas na buhos ng ulan noong Biyernes sa nasabing bayan.

Kinilala ang mga biktimang sina Police Patrolman John L. Togay-an Jr. ng Buguias, Benguet; Police Patrolman Resty P. Bayog, Barangay Nambaran, Tabuk City, Kalinga, at Patrolman Halteric Q. Pallat, ng Kabugao, Apayao, lahat ay nakatalaga sa 2nd Apayao Police Mobile Force Company na nakabase sa Conner, Apayao.

Nakaligtas naman ang tatlong pulis na sina Police Chief Master Sgt. Bernabe Dalingay Patang Jr. ng 2nd Apayao PMFC, kasamahan na sina Police Patrolmen Derick Paul Unni Diza at Claybert Edel Dangao; at Police Staff Sgt. Felimon Daggay Ballouan ng Calanasan police station, gayundin ang bangkero na si Gilbert Parao.

Batay sa report ng Calanasan Municipal Police Station, magsasagawa na sana sila ng manhunt operation laban sa isang Orland Bidoc, magsasaka ng Barangay Langnao, Calanasan, na umano’y sangkot sa naganap na barilan noong gabi ng Miyerkules.

Sumakay ng bangka ang pitong pulis na pinangunahan ni Patang Jr., at habang patawid ang mga ito sa Apayao River ay bigla na lamang tumaob ang mga ito at tuluyang nilamon ilog ang tatlong nasawing pulis.

Sa isinagawang search and retrieval operations ng pulisya natagpuan ang bangkay ni Togay-an noong Linggo ng umaga sa Apayao River, Flora, Apayao, habang sina Bayog at Pallat ay narekober noong Biyernes ng hapon sa Kabugao. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here