Home ENTERTAINMENT MaThon, tablado sa mediacon ng pelikula, out pa sa poster!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES MaThon, tablado sa mediacon ng pelikula, out pa sa poster!December 10, 2024 16:331800 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Pati si Vice Ganda at ang kanyang entry sa 50th MMFF na And The Breadwinner Is ay damay sa “sumpa.”Unfair mang matatawag pero apektado ang ipinagmamalaki pa manding pelikula ng TV host-comedian.It’s not her doing, pero kagagawan ng mga co-stars niyang sina Maris Racal at Anthony Jennings.As a result, nega tuloy ang pelikula.Pero may naisip na damage control o contingency measure ang Star Cinema.Sa ipinatawag na mediacon, minabuti ng mga nag-organisa nito na huwag nang imbitahan ang MaThon.Baka nga imbes na pag-usapan at i-highlight ang pelikula’y naka-concentrate ito sa isyu ng dalawa.What’s more–tablado na sina Maris at Anthony sa event ay out pa sila sa movie poster!As it is now, naka-off ang comment box ng social media account ni Maris.‘Yung kay Anthony naman ay limitado lang ang puwedeng mag-comment.Pero hindi niya binubura ang mga negatibo at hate comments sa kanila ni Maris.As for the movie, umaasa pa naman ang mga tao sa likod nito na maganda ang kalalabasan nito sa takilya during the 10-day MMFF.Base na rin ‘yan sa past record ni Vice Ganda sa MMFF.On the contrary, hindi kaya imbes na makasira’y makatulong pa ang MaThon isyu?Tingnan natin. Ronnie Carrasco III