Home METRO Mga residente sa mga lugar na saklaw ng 6-km danger zone ng...

Mga residente sa mga lugar na saklaw ng 6-km danger zone ng Bulkang Kanlaon pinalilikas

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ng Office of Civil Defense (OCD) sa mga residente sa mga barangay na nasa ilalim ng six-kilometer danger zone na kagyat na lumikas mula sa kanilang tahanan dahil sa panganib mula sa aktibidad ng Bulkang Kanlaon.

“Hazards from the volcano include sudden explosive eruption, lava flow or effusion, ashfall, pyroclastic density current (PDC), rockfall, and lahars during heavy rains,” ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang mga apektadong indibidwal ay maaaring pumunta sa evacuation centers sa mga sumusunod na barangay para sa kanilang kaligtasan:

  • Lag-asan sa Bago City

  • Tabao sa Sagay City

  • Rizal sa San Carlos City

  • Barrio Vista Alegre sa Bacolod City

  • Hilamonan sa Kabankalan, Negros Occidental

  • Sibucao sa San Enrique, Negros Occidental

  • Barangay III sa Himamaylan City, Negros Occidental

  • Taculing sa Bacolod City, Negros Occidental

  • Moises Padilla, Negros Occidental

  • Cubay sa La Carlota, Negros Occidental

  • Sitio Canlayuhan sa Baranagy Gil Montilla, Sipalay City, Negros Occidental

Maliban sa six-kilometer danger zone, ipinalabas din ng OCD ang lahar hazard map na nagpapakita ng mga lugar na “least to moderately” at “highly” prone sa lahar.

“Around 87,000 individuals are set to be evacuated,” ayon sa OCD.

Sa ulat, itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (Phivolcs) sa alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon sa Negros mula sa alert level 2.

Ito ayon sa Phivolcs ay makaraang magkaroon ng matinding pagsabog ang bulkan sa may summit vent ng Kanlaon Volcano alas-3:03 ng hapon ng Lunes, December 9.

Ang pagsabog ay nagdulot ng  makapal na plume na tumaas nang may 3,000 metro at nalusaw sa may kanluran-timog-kanlurang bahagi ng bulkan.

Sa pagtaas sa alert level 3 ng bulkan, ito ay nangangahulugan ng magmatic unrest o ang pagsisimula ng magmatic eruption na maaaring magdulot nang mas ma­tinding pagsabog.

Pinapayuhan ng Phivolcs ang lahat ng lokal na pamahalaan na nasa palibot ng Kanlaon na ilikas ang mga residente na nasa loob ng anim na kilometrong layo mula sa bunganga ng bulkan at maghanda ng inaasahang evacuation sa mas ligtas na lugar dahil sa posibleng matinding pagputok ng bulkan.

Samantala, tiniyak naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na handa ang pamahalaan na tulungan ang mga apektado ng pagputok ng Bulkang Volcano.

Sinabi ni Pangulong Marcos na siniguro sa kanya ng Department of Budget and Management (DBM) na handa itong magbigay ng kinakailangang resources.

“So yes, we are ready to support the families, who have been evacuated outside the 6-km danger zone,” ang winika ni Pangulong Marcos.

Aniya pa rin, nagsimula nang mamahagi ng food packs sa mga apektadong pamilya. Kris Jose