
NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P15 milyong halaga ng shabu sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang Chinese national matapos maaresto sa buy bust operation sa Navotas City, Lunes ng umaga.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas “William”, 40, Chinese national at kanyang live-in partner na si alyas “Rose”, 28, kapwa residente ng Brgy. Manganvaka, Subic Zambales.






