Home NATIONWIDE Domestic worker sa Kuwait na sangkot sa pagkamatay ng isang bata ‘isolated...

Domestic worker sa Kuwait na sangkot sa pagkamatay ng isang bata ‘isolated case’ – DMW

175
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na “isolated case” ang pagkakasangkot ng Filipino domestic worker sa pagkamatay ng isang batang lalaki sa bahay ng kanyang employer sa Kuwait.

Sa isang pahayag, nagpahayag ng matinding pag-aalala ang DMW tungkol sa kaso at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng bata at sa gobyerno ng Kuwait.

“The DMW, through the Philippine Embassy and Migrant Workers Office in Kuwait, is closely coordinating with Kuwaiti authorities while extending the necessary assistance to the subject domestic worker, with due regard to Kuwaiti laws and the DMW mandate,” sabi ng ahensya.

Iniulat na inilagay ng Filipino domestic helper ang batang Kuwaiti sa loob ng washing machine sa bahay ng kanyang employer.

Agad na iniligtas ng mga magulang ang kanilang anak nang marinig ang kanyang sigaw at dinala sa ospital kung saan nasawi dahil sa injuries.

“We humbly provide the assurance that this tragic incident is isolated and does not represent the values of Filipinos and overseas Filipino workers who are known for their caring nature, professionalism, dedication and hard work,” sabi ng DMW.

Tiniyak naman ng DMW ang kaukulang tulong sa mga Filipino domestic worker sa naturang bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here