Home NATIONWIDE 1 patay, 2 nawawala sa baha sa DavOcc

1 patay, 2 nawawala sa baha sa DavOcc

243
0

MANILA, Philippines – Natagpuan ng mga rescuer ang katawan ng 19-anyos na lalaki, habang dalawa pa ang patuloy na pinaghahanap sa pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan sa Malita, Davao Occidental.

Ang pag-ulan ay dulot ng intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto sa malaking bahagi ng Davao Region sa nakalipas na tatlong araw.

Ayon kay Police Capt. Wendell Avila, deputy chief of ng Malita police, narekober ang bangkay ni Jhonrey Bongkil, 19, ng mga rescuer.

Ani Avila, patuloy na nawawala sina Carmelita Opong, 70, mula sa Barangay Poblacion at Joemar Patricio, 37, mula sa Barangay Lais, sa kasagsagan ng pagbaha at landslide sa Malita noong Miyerkules.

Sa inisyal na ulat, tinangay ng malakas na agos ng baha ang kanilang tirahan.

Bukod sa dalawang nawawala, iniulat din ng Office of the Civil Defense (OCD) ang 20 kataong nasaktan at kabuuang 4,589 pamilya o 18,452 katao na apektado ng baha at landslide.

Sa 20 sugatang indibidwal, 13 ang mula sa Barangay Poblacion ng Malita. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here