Manila, Philippines – Sa isang interview kay Andrea Brillantes ay tinanong ang lagay ng kanyang puso.
Ayon sa dalaga, handa na naman siya kung sakaling dumating na nga ang right guy para sa kanya.
Pero hindi raw talaga siya naka-focus doon, katulad last year, inaamin daw niya sa mga nagpaparamdam sa kanya na wala pa siyang time sa lovelife kaya naman panay daw ang travel niya at ine-enjoy niya muna ang pagiging single.
Sinabi niyang noon pa man ay ipinagdasal na niya sa Diyos ang susunod na lalaking kanyang mamahalin.
Nitong huli ay na-link si Andrea kay Kyle Echari dahil sa sobrang closeness nila, pero hanggang pagiging magkaibigan lang pala ang relasyon nila at hindi ‘yun nag-level up into a romantic relationship.
Huling nakarelasyon ni Andrea ay ang basketbolistang si Ricci Rivero noong 2022.
Naging kontrobersyal din ang aktres sa pagkakadawit ng pangalan sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla pero wala naman sa kanilang tatlo ang nagsalita tungkol dito kaya nanatili lang itong tsismis. Ronnie Carrasco IIi