Home NATIONWIDE 6 akusado sa missing sabungero case muling ipinahuhuli

6 akusado sa missing sabungero case muling ipinahuhuli

99
0

MANILA, Philippines- Hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa Manila RTC na ipaaresto muli ang anim na suspek sa pagdukot at pagkawala ng anim na sabungero.

Ito ay matapos katigan ng Court of Appeals ang mosyon ng mga prosecutor na bawiin ang ipinagkaloob na piyansa sa mga respondent.

Sinabi ni Prosecutor General Richard Fadullon na dumulog na sila sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 40 para ipag-utos ang muling pag-aresto sa anim na security personnel ng  Manila Arena na nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Kabilang dito sina Julie Patidongan, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Roberto Matillano Jr., Gleer Codilla at Johnry Consolacion.

Una nang idineklara ng CA Third Division na nakagawa ng grave abuse of discretion si RTC Presiding Judge Rebecca Guillen-Ubaña nang payagan nitong magpiyansa ang anim na respondent.

Iginiit ng CA na ang pagkakaloob ng bail ay isang diskresyon na iginagawad nang maingat at hindi karapatan ng sinumang akusado.

Nag-ugat ang kaso sa pagkawala ng mga sabungero na sina Mark Joseph Velasco, Marlon Baccay, James Baccay, Rowel Gomez, John Claude Inonog at Rondel Cristorum. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here