Manila, Philippines – Ganap nang isang Kristiyano ang anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.
Sa kanyang Instagram Stories, ni-reshare ni Zanjoe ang larawan ng pabinyag kay Baby Sabino.
Kasama sa photo ang ilan sa mga tumayong ninong at ninang ng kanilang supling.
Kabilang dito si Kathryn Bernardo, Jane Oineza, Arjo Atayde, Enchong Dee at ilan pa.
Nilakipan ito ni Zanjoe ng angkop na caption na: “Blessed and loved beyond measure. Our Baby Sabino’s ninongs and ninangs who will guide him every step of the way!”
Tila hanggang ngayon ay wala pang pa-face reveal sina Ria at Zanjoe sa kanilang anak.
Pero ayon sa paglalarawan ng first-time lola ni Baby Sabino na si Sylvia Sanchez: “Kamukha ni Zanjoe pero kakulay ni Arjo!”
Matatandaang February last year nang pumutok ang balitang nasa kagampan si Ria.
A month after that ay itinakda ang kanilang kasal ni Zanjoe.
When already born into this world, aligaga si Sylvia sa pagpiprisintang mag-alaga sa kanilang apo.
Nagdayalog pa si Sylvia na okey lang na iwan sa kanya ang apo pag nagtatrabaho ang anak at manugang.
To Baby Sabino, welcome to the Christian world! Ronnie Carrasco III