MANILA, Philippines – The long wait is over para sa mga naghihintay ng presyuhan ng ticket sa upcoming concert ng BTS member na si J-Hope dito sa Manila!
Ayon sa anunsyo ng Live Nation Philippines nitong Lunes, Pebrero 3, ang pinakamurang presyo ng ticket sa “Hope on Stage” tour ni J-Hope dito sa Manila ay nasa P4,000 para sa Gen Ad.
Samantala, nasa P8,750 naman ang magiging presyo ng Upper Box tickets, P13,500 para sa Lower Box B, at P15,750 para sa Lower Box A.
Habang ang VIP Stage Package naman na may kasamang mga fan benefits ay nasa P20,000, at ang VIP Hope Package ay nasa P22,500.







