MANILA, Philippines – The long wait is over para sa mga naghihintay ng presyuhan ng ticket sa upcoming concert ng BTS member na si J-Hope dito sa Manila!
Ayon sa anunsyo ng Live Nation Philippines nitong Lunes, Pebrero 3, ang pinakamurang presyo ng ticket sa “Hope on Stage” tour ni J-Hope dito sa Manila ay nasa P4,000 para sa Gen Ad.
Samantala, nasa P8,750 naman ang magiging presyo ng Upper Box tickets, P13,500 para sa Lower Box B, at P15,750 para sa Lower Box A.
Habang ang VIP Stage Package naman na may kasamang mga fan benefits ay nasa P20,000, at ang VIP Hope Package ay nasa P22,500.
Gaganapin ang membership presale sa Pebrero 19, mula alas-10 ng umaga hanggang 11:59 ng gabi.
Ang Smart presale ay itinakda sa Pebrero 20, mula alas-10 ng umaga hanggang 11:59 ng gabi, at ang General onsite sale ay sa Pebrero 21 simula alas-12 ng tanghali.
Magkakaroon ng dalawang gabi ng concert si J-Hope sa SM Mall of Asia Arena sa Abril 12 hanggang 13. RNT/Josh Castro