Kumpiyansa si Rep. Brian Raymund Yamsuan na paiigtingin ng bagong talagang national director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mahigpit na pagtutok ng ahensya sa kapakanan ng maliliit na mangingisda at sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan.
Ayon kay Yamsuan, chairman ng House Committee on Aquaculture and Fisheries Resources, nakikita niya kay BFAR Director Elizer Salilig ang tunay na malasakit at dedikasyon sa pagtulong sa mahigit dalawang milyong maliliit na mangingisdang matagal nang naipit sa gulong ng kahirapan.







