MANILA, Philippines- Nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong bata habang tatlong suspek ang inaresto dahil sa online sexual abuse at exploitation (OSAEC) activities sa Pampanga.
Iprinisinta ni NBI Director Jaime Santiago noong Biyernes ang mga suspek na hindi muna pinangalanan matapos silang maaresto sa isinagawang operasyon ng NBI Human Traffickig Division (NBI-AHTRAD) sa Angeles City noong Pebrero 6.
Sinabi ng NBI na sa nasabing operasyon, ang mga biktima ay inaalok para sa sexual exploitation.
Isinalang na ang mga suspek sa inquest sa Angeles City Prosecutors Office para sa paglabag sa Anti-OSAEC at Anti-Child Sexual Abuse o Exploitation Materials Act.
Ayon sa NBI, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ang NBI-HTRAD ng impormasyon tungkol sa mga indibidwal na sangkot sa exploitation ng mga bata para sa produksyon ng Child Sexually Abuse Materials (CSAMs) at live streaming act sa uri ng sexual abuse at exploitation.
Ang nasabing mga materyales at live streaming content ay iniaalok para ibenta sa iba’t ibang platforms.
Kabilang sa mga nasagip na biktima ang apat na anak na menor-de-edad ng isa sa mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden