MANILA, Philippines – Nagawa ng Philippine Coast Guard vessel BRP Cabra na itulak pabalik ang isang China Coast Guard (CCG) vessel nang mas malayo sa baybayin ng Zambales nitong Sabado, Pebrero 15, sinabi ng PCG.
“As of now, the CCG-5303 has been successfully pushed back to approximately 95 nautical miles off the coast of Zambales,” sabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela sa isang pahayag.
Ang tinutukoy ni Tarriela ay ang 134-meter CCG vessel na may bow number 5303, na sinabi ng PCG na pinalitan ang CCG vessel 3103 noong Sabado “upang mapanatili ang iligal na pagpapatrolya ng China sa baybayin ng Zambales.”
Sinalubong ng BRP Cabra ang CCG-5303 sa kabila ng malalaking alon na may taas na 5 hanggang 8 talampakan, sinabi ng PCG.
Paulit-ulit na sinabi ng China na “illegal” at “invalid” ang desisyon ng Philippine Court of Arbitration o PCA sa pinag-aagawang teritoryo o ang katubigan sa West Philippine Sea.
Ang West Philippine Sea ay ang pangalang ginagamit ng Pilipinas upang sumangguni sa mga bahagi ng South China Sea na nasa loob ng eksklusibong sonang pang-ekonomiya at nasasakupan nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden