VATICAN – Kailangan pang manatili nang isang linggo sa ospital si Pope Francis dahil sa kanyang pneumonia, ayon sa kanyang doktor nitong Biyernes, Pebrero 21.
Si Francis ay naospital dahil nahirapang huminga ay bumubuti na kaya naman binawasan na ng doktor ang kanyang iniinom na gamot, sinabi ni Professor Sergio Alfieri.
“The question is, is the pope out of danger? No, the pope is not out of danger,” sabi ni Alfieri sa press conference sa Rome Gemelli hospital.
“If you then ask whether he is in danger of dying at this moment, the answer is still no,” dagdag pa.
Sinabi ni Alfieri na ang totoong panganib sa ganitong kaso ay pumapasok ang dumi sa dugo na maaaring magresuta sa sepsis na isang life threatening conditions.
Sinabi ni Doctor Luigi Carbone na ang Papa, na inalis ang bahagi ng isa sa kanyang mga baga noong kabataan ay mayroon na ngayong chronic lung condition at maituturing na isang marupok nang pasyente. Jocelyn Tabangcura-Domenden