Home NATIONWIDE 80 Pinoy sa US nahaharap sa deportasyon

80 Pinoy sa US nahaharap sa deportasyon

175
0

MANILA, Philippines — Umabot na sa 80 Pilipino ang nakatanggap ng deportation notices mula sa mga awtoridad ng Estados Unidos sa gitna ng kampanya ng bagong administrasyon laban sa mga illegal aliens.

Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, hindi pa nakakulong ang mga Pilipinong ito at may pagkakataon pa silang ayusin ang kanilang legal na pananatili sa bansa. Ilan sa kanila ang kusang umalis na ng US.

Bagamat nagpatupad na ang US ng deportation flights para sa mga illegal aliens mula sa Africa at Asia, wala pang Pilipinong isinama sa mga biyaheng ito.

Ipinahayag ng Department of Foreign Affairs ang kanilang kahandaang magbigay ng kinakailangang tulong sa mga Pilipinong maaapektuhan ng immigration crackdown. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here