MANILA, Philippines- Isa ang patay sa naganap na sunog sa isang residential area sa Tondo nitong Huwebes ng umaga, ayon sa kumpirmasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa inisyal na ulat, bigo umanong makalabas ng bahay ang biktima na isang 83-anyos na babae sa lugar sakop ng Brgy. 32 base na rin sa pahayag ng mga kaanak sa BFP at Manila DRRMO.
Napag-alaman na bedridden na umano ang biktima na naiwang mag-isa sa nasunog na bahay.
Sinubukan namang iligtas ng kaanak ang biktima pero hinarang na sila dahil sa panganib.
Ang anak ay nagtamo rin ng paso sa kaliwang braso at binigyan na rin ng tulong medikal ng EMS ng BFP dulot ng matinding pag-iyak.
Naapula ang sunog na umabot lamang sa unang alarma kaninang alas-10:34 ng umaga. Jocelyn Tabangcura-Domenden