MANILA, Philippines – Nanawagan ang Bureau of Internal Revenue sa mga taxpayer na magbayad ng tamang buwis at maghain na ng kanilang annual income tax returns bago pa ang deadline sa Abril 15, 2025.
Ito ay kasabay ng paglulunsad ng BIR sa Quezon City ng 2025 Regional Tax Campaign Kick-off nito.
Sa temang “Buwis na Tapat, Tagumpay Nating Lahat,” hinihikayat ang mga taxpayer na boluntaryong magbayad ng buwis na magagamit naman para sa pagpapaunlad at pagpapalago sa ekonomiya ng bansa.
Ang mga taxpayer ay maaaring magbayad ng kanilang buwis online sa pamamagitan ng Electronic Filing and Payment System o Electronic Bureau of Internal Revenue Forms, na ma-aaccess sa website ng BIR.
Bukod dito, maaari ring magbayad ng buwis sa alinmang authorized agent bank at revenue collections officers ng mga revenue district office. RNT/JGC