Home NATIONWIDE Pope Francis matatagalan pang makarekober

Pope Francis matatagalan pang makarekober

194
0

VATICAN – Patuloy na lumalaban at matatagalan ang pagrekober ni Pope Francis na ngayon ay naka-admit pa rin sa Gemelli hospital sa Rome.

Matatandaan na tatlong linggo nang nasa ospital si Pope Francis at wala pang nakikitang indikasyon na makakalabas na ito ng ospital.

Ayon sa mga medical expert, matagal pa at magiging mahirap ang tuluyang pagrekober ng Santo Papa.

“I’ve seen patients who have spent months in hospital in this sort of situation. Of course he can recover, but the chances for a negative outcome are high,” ayon kay Professor Christoph Lange, Secretary General ng International Union Against Tuberculosis and Lung Disease.

“The best advice would be to let him rest, let him take whatever time he needs to get well again,” dagdag pa ni Lange.

Matatandaan na nitong Huwebes ng gabi, Marso 6 ay nagpadala si Pope Francis ng audio message para sa mga mananampalataya, kung saan kahit na hirap sa pagsasalita ay nagpasalamat ito sa lahat ng mga nanalangin sa kanya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here