MANILA, Philippines – Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang dalawang lindol sa Catanduanes at Sorsogon sa magkaparehong oras nitong Sabado, Marso 8.
Sa bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na tumama ang magnitude 4 na lindol sa silangan ng Baras, Catanduanes bandang 4:46 ng umaga.
Tumama rin sa kaparehong oras ang magnitude 3.5 na lindol sa silangan ng Prieto Diaz, Sorsogon.
Ayon sa ahensya, halos may dalawang segundong pagitan lamang ang dalawang lindol.
Kapwa tectonic in origin ang dalawang lindol at walang inaasahang aftershock o pinsala rito. RNT/JGC