Home METRO Hinihinalang gun-for-hire na sangkot sa kabi-kabilang pagpatay sa Maynila, laglag sa Laguna

Hinihinalang gun-for-hire na sangkot sa kabi-kabilang pagpatay sa Maynila, laglag sa Laguna

MANILA, Philippines – Arestado ang hinihinalang gun-for-hire sa isang drug buy bust operation sa Laguna.

Sa ulat, napatay din sa operasyon ang dalawa iba pang suspek matapos na makipagbarilan sa mga pulis.

Lumabas sa imbestigasyon na ang target na suspek ay sangkot sa dalawang insidente ng pamamaril sa Maynila noong Enero at noong nakaraang taon.

“Wala itong pinipili, umaatake araw man o gabi. Sinisigurado rin niyang patay ang target niya. ‘Yung isang biktima, may narekober kaming pitong basyo, lahat ng tama sa ulo,” pahayag ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, sa panayam ng GMA News.

Wala pang komento ang suspek kaugnay nito. RNT/JGC