Home HOME BANNER STORY Palasyo wala pang natatanggap na impormasyon sa Interpol red notice ni ex-PRRD

Palasyo wala pang natatanggap na impormasyon sa Interpol red notice ni ex-PRRD

316
0

MANILA, Philippines – WALA pang natatanggap na anumang komunikasyon ang Malakanyang patungkol sa red notice na magmumula sa Interpol para kay dating Pangulong Rodrigo “Digong’ Roa Duterte.

Ito’y may kaugnayan sa umano’y ipinalabas na arrest warrent ng International Criminal Court (ICC) laban sa dating Pangulo.

Iniimbestigahan kasi ng ICC si Digong Duterte at iba pang opisyal ng kanyang administrasyon dahil sa umano’y mga krimen na may kaugnayan sa libo-libong pagkamatay sa police anti-drug operations.

Base sa government records, hindi bababa sa 6,000 drug suspects ang napatay sa police operations sa war on drugs ni Duterte. Subalit, sa pagtataya ng human rights groups, aabot umano ang bilang ng mga napaslang sa 30,000.

“Wala pa po tayong natatanggap na anumang communication patungkol sa red notice at nakausap po natin si Asec. Mico from the DOJ at as of now ay tinitingnan din po nila ang kanilang mga records. As of now, wala pa pong natatanggap na anumang komunikasyon patungkol diyan,” ayon kay PALACE PRESS OFFICER at UNDERSECRETARY ATTY. CLAIRE CASTRO.

Sinabi pa ni Castro na may lumabas na mga balita na mayroon nang na-issue na warrant of arrest laban kay Digong Duterte subalit sa ngayon ay hindi pa nila ito agad-agad na makumpirma lalo pa’t kung wala pa aniyang physical copy ng warrant of arrest.

“Ang sabi po kasi ng DOJ, since hindi po tayo miyembro ngayon ng ICC, may mga options po kasi ang ICC kung papaano nila ito ipapa-serve. Kung nagkataon po kasi na tayo ay miyembro puwede po itong ipadaan sa opisina po ng Pangulo o kaya po sa DOJ o kaya sa DFA. Pero maaari pa rin po tayong ituring ng ICC bilang miyembro at maaaring gawin po iyong binanggit ko pong mga procedure pero nasa kanila po ito kung ito po ay ipapadaan na lang mismo doon sa bansa kung nasaan iyong taong kanilang gustong i-serve ng warrant of arrest,” litaniya ni Castro.

Sinabi pa ni Castro na walang magiging pagbabago pagdating sa polisiya ng pamahalaan na hindi pa rin makikipag-cooperate ang gobyerno sa ICC maliban na lamang kung mismong ang Interpol na ang hihiling.

“Sa Interpol po tayo makikipag-ugnayan kung hihingin po ng Interpol ang tulong ng gobyerno po ng pamahalaan,” aniya pa rin. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here