Home METRO Wildfire sa Zambales naapula na

Wildfire sa Zambales naapula na

126
0

ZAMBALES – Naapula na ang sunog sa isang bundok sa Barangay Pundaquit, San Antonio, Zambales bago magmadaling araw ng Martes, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Nagsimula ang sunog tanghali ng Lunes at mabilis na kumalat dahil sa malakas na hangin.

Nahirapan ang mga bombero na akyatin ang bundok dahil sa malambot na lupa.

Nakahanda ang BFP na rumesponde kung sakaling umabot ang apoy sa mga kabahayan sa paanan ng bundok. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here