Home TOP STORIES Vendors tutulungan ni Camille Villar

Vendors tutulungan ni Camille Villar

Binisita ni senatorial candidate Camille Villar ang mga pampublikong palengke sa Pila at Sta. Cruz, Laguna nitong Martes bilang bahagi ng kanyang kampanya para sa midterm elections ngayong Mayo 2025.

Nakipag-usap si Villar sa mga nagtitinda at nangakong isusulong ang mga panukalang tutugon sa epekto ng paggalaw ng presyo ng bilihin. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng access sa puhunan upang mapalago ang kita ng mga maliliit na negosyante.

“Nararamdaman natin ang inyong pangangailangan. Patuloy natin kayong tutulungan para mas lalong umasenso tayo,” ani Villar. Cesar Morales