Apat ang nasawi matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Longos, Malabon City nitong madaling araw ng Huwebes.
Kinilala ng isang kamag-anak ang mga biktima bilang tatlong magkakapatid at isang pamangkin na may edad siyam hanggang 38 taong gulang. Isa sa mga nasawi ay may kapansanan.







