Home ENTERTAINMENT Gelli, may payo sa KathNiel, paasa?

Gelli, may payo sa KathNiel, paasa?

197
0

Manila, Philippines- Kung aspeto ng love and relationships ang pag-uusapan, masasabing authority dito si Gelli de Belen.

Herself na dumaan din sa ups and downs ng buhay-may-asawa, kulang na lang ay maging licensed marriage counsellor siya.

Aminadong malapit ang misis ni Ariel Rivera sa nag-break nang magkasintahang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nakasama kasi ni Gelli ang mga ito sa 2 Good 2 Be True.

Papel bilang ina ni Kathryn ang role doon ni Gelli.

No wonder, parang anak na rin daw ang turing niya sa aktres.

Si Daniel ay parang pamangkin naman niya, she being close to his mom Karla Estrada.

Isa nga si Gelli sa mga nalungkot nang pumutok ang balitang nag-break na ang dalawa.

Yet umaasa si Gelli na muling magkakaayos ang nangungunang loveteam ng bansa.

Base na rin daw ito sa kanyang sariling karanasan being Ariel’s partner.

Ani Gelli: “Kami ni Ariel, ilang beses na rin ba kaming naghiwalay? Kaso, hindi siya nakatiis…bumabalik pa rin sa akin! Ha, ha, ha!”

She justifies KathNiel’s impending reconciliation by saying: “Patuloy ang buhay. Anything is possible!”

Gayunpaman, may iniwan siyang payo para kina Kathryn at Daniel.

It’s a general piece of advice on learning to love oneself.

Ani Gelli, kung may kakulangan ka raw sa iyong sarili ay huwag kang umasang mahahanap mo ito sa ibang tao.

In short, buuin mo raw muna ang iyong sarili to deserve love from other people.

In the same way na kung ukol ay bubukol.

Simply put, if you’re not meant for each other ay huwag ipilit.

If it happens, oras na raw ‘yon para buksan mo ang bagong kabanata sa iyong buhay.

Samantala, nagbago na ang desisyon nila ni Ariel na ipursige ang pagma-migrate nila sa Canada.

Their two sons are based there kung saan pag libre ang mag-asawa rito’y pinapasyalan nila ang kanilang mga anak.

For sure, ikatutuwa ng mga diehard KathNiel fans ang tinuran ni Gelli that there lies hope na puwedeng magkabalikan ang kanilang mga idolo.

Hindi ba’t parang “too good to be true” rin ang peg nito?

Kaya lang, balitang may boyfriend na raw si Kathryn na isang pulitiko. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here