Home NATIONWIDE DOTr bukas sa pagbabago sa PUV modernization program

DOTr bukas sa pagbabago sa PUV modernization program

Bukas ang Department of Transportation (DOTr) sa ilang pagbabago sa Public Transport Modernization Program (PTMP) ng gobyerno upang tugunan ang alalahanin ng ransport groups.

Sinabi ni DOTr secretary Vince Dizon na ipriprisinta ng ahensya ang ‘solusyon’ sa loob ng dalawang linggo matapos ang pagpupulong sa mga stakeholders.

Ayon kay Dizon, na sa 86% ng public utility vehicles (PUV) ay nag-apply para sa consolidadtion bilang paunang bahagi ng modernization program.

Gayunman, sinabi ni Dizon na nasa 40% lamang ang naaprubahan.

Ayon kay Dizon, tatalakayin niya ang usapin kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Boatd (LTFRB) at transport groups.

Pagkatapos aniya ng pagpupulong ay saka niya ipriprisinta ang solusyon sa loob ng dalawang linggo.

Nitong Lunes, sinimulan na ng grupong MANIBELA ang tatlong araw na transport strike bilang protesta kaugnay sa PTMP o dating PUV Modernizatin program (PUVMP). (Jocelyn Tabangcura-Domenden)