Home NATIONWIDE Pagkatalaga bilang BARMM Parliament member inisnab ni Ebrahim

Pagkatalaga bilang BARMM Parliament member inisnab ni Ebrahim

MANILA, Philippines – TINANGGIHAN ni dating Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interim Chief Minister Ahod Ebrahim na maitalaga bilang miyembro ng Parliament.

Sa katunayan, sa isang kalatas ay sinabi ni Ebrahim na: “I take this opportunity to thank President Ferdinand R. Marcos Jr. for offering me another chance to serve in the Bangsamoro Government, this time as a Member of the Parliament. I have decided to respectfully decline said appointment.”

Hindi naman nagbigay ng anumang detalye at rason si Ebrahim sa kanyang naging pagtanggi sa appointment.

Sa ulat, nanumpa sa kanilang bagong tungkulin ang mga bagong appointed members ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament sa harap ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.

Ang BTA Parliament ay isang interim government sa BARRM sa panahon ng transition period, ang nakasaad sa Republic Act No. 11054. May taglay itong legislative at executive powers.

Winika ni Ebrahim na ipagpapatuloy niya ang pamumuno sa Moro Islamic Liberation Front at political party nito, ang United Bangsamoro Justice Party, habang pinalalawig ang paggabay at suporta sa Macacua “as we move towards a brighter future for the Bangsamoro people.”

Samantala, nagpaabot naman ng pagbati si Ebrahim sa kanyang successor, sabay sabing si Macacua ay makapag-aambag ng kanyang mayamang karanasan sa bago niyang papel.

“His leadership and commitment to peace and development in the region are well-documented. I wish him well in his endeavors,” ang sinabi ni Ebrahim. Kris Jose