Home NATIONWIDE 3 paslit patay sa sunog sa Cebu

3 paslit patay sa sunog sa Cebu

314
0

MANILA, Philippines – Patay ang tatlong bata sa sunog na sumiklab sa Barangay Mambaling, Cebu City nitong Sabado ng umaga, Marso 29.

Kinilala ang mga nasawi na sina Sachna Lexy Siaboc, 6; Razan Kyle Siaboc, 3; at Athena Lexy Siaboc, 3, na natagpuan sa loob ng kanilang kwarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinubukan ng ina ng biktima na si Ynica Marie Siaboc na iligtas ang kanyang mga anak ngunit nahirapan na ito sa lakas ng apoy.

Nasa 20 tirahan ang natupok ng apoy.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsala. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here