MANILA, Philippines- May panahon pa ang mga kandidato at political parties na lalahok sa May 12 elections upang irehistro ang kanilang online campaign platforms.
“Please be informed that during the 27 March 2025 referendum/consultation, the Commission has extended the registration of Online Campaign Platforms (OCPs) for a final and non-extendible period, until 31 March 2025, 11:59 PM,” ayon sa Memorandum 250507 ng Commission on Elections.
Ang muling pagbubukas ng registration period ay bilang tugon sa ilang kahilingan mula sa mga stakeholders, ayon kay Comelec Task Force KKK sa Halalan Commissioner-in-Charge Nelson Celis.
Ang mandatoryong pagpaparehistro ng Online Campaign Platforms ay bumubo ng isang bagong inisyatiba ng komisyon na idinisenyo upang pahusayin ang transparency at pananagutan sa pagsasagawa ng mga digital election campaigns.
Sinabi ng Comelec na dapat gamitin ng mga aplikante ang mga itinakdang templates ng kinakailangang dokumento na maaaring i-download sa www.comelec.gov.ph.
Maaari ring i-upload ang kinakailangang dokumento sa kanilang Google Drive at magsumite ng URLs o links via Google Form.
Ang mga hard copy ng lahat ng dokumento ay dapat i-upload sa pamamagitan ng Google Form sa loob ng limang araw mula sa pagkumpleto ng form.
Kabilang ng lahat ng official social media accounts at pages, websites, podcasts, blogs, vlogs at iba pang online at Internet-based campaign platforms. Jocelyn Tabangcura-Domenden