Home NATIONWIDE PH medical teams handang tumulong sa Thailand, Myanmar

PH medical teams handang tumulong sa Thailand, Myanmar

View of a collapsed building after a strong earthquake struck central Myanmar on Friday, earthquake monitoring services said, which affected Bangkok as well with people pouring out of buildings following the tremors in the Thai capital, in Bangkok, Thailand, March 28, 2025. REUTERS/Ann Wang

MANILA, Philippines- Handang tumulong ang tatlong Philippine Emergecy Medical Assistance Teams (PEMATs) sa post-earthquake response sa Myanmar at Thailand, sinabi ng Department of Health (DOH).

Agad na inatasan ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang PEMAT na mag-standby para sa deployment kapag kumpleto na ang mga international coordination protocol sa mga apektadong bansa at natanggap ang isang kahilingan.

“The DOH can send our PEMAT should there be a need for humanitarian medical assistance in Myanmar and Thailand. We are ready,” sabi ng kalihim.

Sinabi ng DOH na ang lahat ng tatlong PEMATs ay inuri bilang Type 1 Fixed EMTs (memergecy medical teams), na nangangahulugan na makakapagbigay ng daylight hours care para sa acute trauma at non-trauma presentations at referrals.

Maaari ring magsagawa ang PEMATS mula DOH ng health investigation o care and community-based primary care sa outpatient fixed facility.

Sa huling ulat, sumampa na ang bilang ng nasawi 1,000 mula sa malakas na pagyanig. Jocelyn Tabangcura-Domenden