Home NATIONWIDE Illegal campaign materials pinababaklas ng Comelec sa mga kandidato

Illegal campaign materials pinababaklas ng Comelec sa mga kandidato

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May 2025 elections na magkusa nang alisin ang kanilang illegal campaign materials o mahaharap sa disqualification.

Inihayag ito ni Comelec Chairman George Garcia kasunod ng pagsasagawa ng ‘Oplan Baklas’ sa pagsisimula ng 45 araw ng local campaign period noong Biyernes.

Ipinaliwanag ni Garcia na ang Fair Elections Act ay nagre-require sa komisyon na magpadala ng sulat sa mga kandidato para hilingin na alisin ang kanilang illegal campaign materials.

Sinabi ni Garcia, tatlong araw matapos nilang matanggap ang sulat at kinakailangan na nilang tanggalin at kung hindi ay haharap sila sa disqualification o election offense.

Samantala, sinabi ni Garcia na payapa ang pagsisimula ng local campaign period .

Nauna nang hinikayat ni Garcia ang mga lokal na kandidato na sundin ang alituntunin na itinakda ng Comelec para sa ligtas at matagumpay na pagsasagawa ng midterm elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden