Home NATIONWIDE SP Gatchalian, binati ng Malakanyang

SP Gatchalian, binati ng Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – NAGPAABOT ng pagbati ang Malakanyang sa bagong Senate President na si Senador Sherwin Gatchalian.

Kasunod ito ng pagkakahalal kay Gatchalian bilang pinuno ng Senado at ng pagtanggap ni Senador Alan Peter Cayetano hinggil sa pagbabago sa liderato ng mataas na kapulungan.

Sa kabilang dako, nagpasalamat din ang Malakanyang sa mababang kapulungan ng Kongreso sa pangunguna ni Speaker Bodjie Dy, gayundin sa mayorya ng Senado na handa na aniyang magtrabaho bilang mga mambabatas.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hangad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng mabilis, maayos, at episyenteng serbisyo ang pamahalaan para sa taumbayan.

Ani Castro, kailangang maisabatas ang mga priority bills upang higit pang mapalakas at mapalawak ang mga programa at tulong ng gobyerno para sa mga Pilipino. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here