Home NATIONWIDE US-Iran peace deal, ikinatuwa ni Pope Leo

US-Iran peace deal, ikinatuwa ni Pope Leo

3
0

CASTEL GANDOLFO, Italy — Malugod na tinanggap ni Pope Leo  ang pansamantalang kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran na naglalayong wakasan ang sigalot sa Middle East at nagpahayag ng pag-asang magdudulot ito ng pangmatagalang kapayapaan.

Sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag sa labas ng kanyang tirahan sa Castel Gandolfo, sinabi ng kauna-unahang Amerikanong Santo Papa na ikinatutuwa niya ang nalalapit na pormalisasyon ng kasunduan ng dalawang bansa sa Biyernes.

“There will still be several points to settle, but it is always better to do so through dialogue, through negotiations, and not by returning to war,” ani Pope Leo.

Si Leo, na naunang bumatikos sa digmaan laban sa Iran at nagdulot ng hindi pagkakasundo kay U.S. President Donald Trump, ay nagsabing umaasa siyang tuluyan nang magtatapos ang labanan.

“I hope that it truly is a solution to the war, that the war really is over, and that we can move forward,” dagdag niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here