MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia nitong Martes ang mga alegasyon na tumanggap siya ng P10 milyon mula sa umano’y mga dating bodyguard at bagman ni ex-congressman Zaldy Co.
Sa isang press conference na pinangunahan ni dating Rep. Mike Defensor, sinabi ng mga nagpapakilalang bagman na naghatid sila ng milyun-milyong halaga mula sa flood control projects kay Garcia.
Giit ni Garcia, lahat ng mga akusasyon laban sa kanya ay kasinungalingan at wala rin siyang kinalaman sa pagbaha.
Kinuwestiyon din ni Garcia ang magkakaibang testimonya ng mga bagman.
Una aniya ay sinabi nilang apat na maleta ang inihatid sa kanya sa harap ng Midas Hotel, ngunit ngayon ay sinasabing maliit na bag na lamang ito.
Ayon kay Garcia, hindi na tugma ang kanilang mga pahayag.
Si Defensor ay inakusahan ng panunuhol sa mga bagman ng P5 milyon upang tumestigo laban sa ilang opisyal ng gobyerno.