Home NATIONWIDE Frontal system, easterlies iiral sa bansa

Frontal system, easterlies iiral sa bansa

157
0

MANILA, Philippines – Makakaapekto ang frontal system sa silangang bahagi ng Northern Luzon, habang easterlies naman ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ang Mainland Cagayan, Isabela, at Apayao ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Frontal System.

Ang Batanes at Babuyan Islands ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan dahil sa northeasterly windflow.

Samantaa, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm dahil sa easterlies. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here