Home ENTERTAINMENT Grammar ni Mayor, kinuwestyon; Kathryn, kasama niya sa bakasyon?

Grammar ni Mayor, kinuwestyon; Kathryn, kasama niya sa bakasyon?

320
0

Manila, Philippines- Umano’y wrong grammar agad ni Lucena City Mayor Mark Alcala sa Instagram post nito ang nakaagaw ng pansin ng mga netizens.

Viral tuloy ang mga photos ng rumored boyfriend ni Kathryn Bernardo all because of his caption.

Nilakipan kasi ni Mark ng mga ito ng: “Reserving my peace!”

This caption sparked a raging debate among the netizens.

May mga nagsasabing may grammatical lapse daw sa structure.

It should have read “preserving my peace.”

Nakuha rin lang daw mamili ito ng mga topless photos, pero walang time para i-proofread ang maling caption.

Ano raw ba namang dinagdagan ni Mark ng letter “p” ang caption niya.

May mga nagtanggol naman sa simpatikong alkalde, lashing at those na nagdudunung-dunungan sa grammar.

Anila, wala naman daw mali sa “reserving.”

Ang paliwanag ng mga ito, it’s interpreted as taking proactive steps to protect one’s inner calm and well-being.

Pero higit sa pagtatalo kung wasto ba o mali ang grammar ni Mark ay ang nagging question kung sino ang kumuha ng kanyang topless shots sa bakasyon.

Quick to jump the gun, pinapalagay ng mga netizens na si Kathryn ‘yon na kasama nito sa bakasyon.

Nauna nang napaulat na magnobyo na ang aktres at ang poging mayor. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here