MANILA, Philippines – Sinabi ng PAGASA na magdadala ng pag-ulan sa Palawan at Mindanao ang low pressure area (LPA) at ang intertropical convergence zone (ITCZ).
Matatagpuan ang LPA sa layong 805 kilometro silangan ng Southern Mindanao at maliit ang tsansang maging bagyo sa loob ng 24 oras.
Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Davao Region dahil sa trough ng LPA.
Apektado rin ng ITCZ ang Palawan at nalalabing bahagi ng Mindanao. Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan.
Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang pag-ulan dulot ng easterlies. RNT