Home NATIONWIDE Hired troll farm ng China sa PH, kakaladkarin sa Senate probe?

Hired troll farm ng China sa PH, kakaladkarin sa Senate probe?

259
0

MANILA, Philippines- Tila ipinahiwatig ni Senador Francis “Tol” Tolentino na kakaladkarin ang umano’y inupahang troll farm ng China sa Pilipinas, ang InfinitUs Marketing Solutions, upang maghasik ng fake news sa Pilipinas para humarap sa imbestigasyon ng Senado sa halip na magpalabas ng press statement sa pamamagitan ng abogado nito

“We’ll be having a hearing on May 5.  Everything will be under oath. So kung ‘yong InfinitUs ay deny nang deny ngayon, wag sa media. Humarap kayo, umattend kayo sa hearing,” ayon kay Tolentino sa press conference of Alyansa Para sa Bagong Pilipinas. 

“Mag-subscribe kayo, doon niyo sabihin ang gusto niyong sabihin. Hindi po ‘yong press release nang press release ‘yong abodago nila. Humarap sila sa hearing sa Lunes. Mas maganda po ‘yong ganon,” dagdag niya.

Sa ginanap na pagdinig sa Senado, sinabi ni Tolentino na hinihinalang kinalap ng Chinese embassy sa Maynila, ang infinitUs, isang public relations firms na lumikha ng troll farms upang itaguyod ang pro-China narratives sa Pilipinas noong 2023.

Ibinulgar pa ni Tolentino ang kopya ng tseke mula sa Bank of China Manila Branch na may petsang September 2023 na nagbayad ng halagang P930,000 sa InfinitUs para sa hinihinalang service agreement sa Chinese Embassy. 

Natuklasan din ng Senado mula sa dokumento na galing  Securities and Exchange Commission na napasakamay ng Senate committee na nagpapakitang dalawang Chinese nationals ang kasosyo ng InfinitUs Marketing Solutions.

Pero, pinabulaanan ng InfinitUs ang alegasyon na kinontrata sila ng Chinese embassy sa Maynila pero inamin na tumanggap sila ng bayad sa naturang embahada.

Matinding pinabulaanan din ng PR firm na kalahok sila sa “trolling” that at sinabing: “We are professionals. Our firm does not, and will never, engage in trolling, online harassment, or deception.”

“The reckless labeling of our services as ‘troll activity’ is false, defamatory, and endangers our people and clients,” anila. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here