ILOCOS SUR- Dead on the spot ang isang 48-anyos na lalaki matapos na gumuho at matabunan sa loob ng hinuhukay niyang balon sa Brgy. Fuerte, Caoayan ng lalawigang ito kahapon, Mayo 6.
Ayon sa Caoayan MPS, ang biktima ay residente ng Brgy. Paratong, Sta. Catalina, Ilocos Sur.
Nasa 7 feet na umano ang lalim ng balon at nasa loob nito ang biktima na patuloy na naghuhukay nang biglang gumuho ang balon.
Sinubukang iligtas ng mga kasama niya ang biktima pero nabigo sila.
Nang dumating sa lugar ang mga personnel ng Caoayan MPS, MDRRMO at BFP-Caoayan, agad silang nagsagawa ng retrieval operation hanggang sa marekober nila ang katawan ng biktima. Rolando S. Gamoso