Las Piñas City — Buong suporta ang ibinigay ni dating Senate President at Nacionalista Party chairman Manny Villar sa kanyang anak na si Camille Villar, na tumatakbo bilang senador sa nalalapit na halalan sa Mayo 12.
Kasama niyang nagpakita ng suporta ang asawang si Sen. Cynthia Villar, na kasalukuyang tumatakbo bilang kinatawan sa Kongreso, sa pagtatapos ng 90-araw na kampanya.







