Home NATIONWIDE State media magsisilbing ‘vanguards of truth’ sa May 12 polls

State media magsisilbing ‘vanguards of truth’ sa May 12 polls

196
0

MANILA, Philippines- Nakahanda na ang Philippine state media na magbigay ng ‘factual news’ at kontrahin ang misinformation at disinformation sa panahon ng pagsasagawa ng May 12 national at local elections.

Ito ang tiniyak ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jay Ruiz matapos pangunahan ang isang pagpupulong kasama ang mga pinuno at staff ng Philippine News Agency, People’s Television Network (PTV), Intercontinental Broadcasting Corporation, Philippine Broadcasting Service and Philippine Information Agency at PTV office sa Quezon City.

Sinabi ni Ruiz na ang state media agencies ay magsisilbi bilang “vanguard of truths” sa panahon ng halalan, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang mapayapa at patas na eleksyon.

“Lahat ng media components sa gobyerno, pinagsama-sama natin dito para sa pinakamalakas, (at) pinakamalawak na coverage dito sa mangyayaring eleksyon sa May 12,” ang sinabi ni Ruiz.

“Nandito po ang integrated state media para alamin ang katotohanan… Ito po ang sandigan ng katotohanan,” dagdag niya.

Sa katunayan aniya ay nakikipag-ugnayan na ang PCO sa Philippine National Police at Department of Information and Communications Technology para labanan ang online disinformation.

Magpapadala naman ang Philippine National Police (PNP) ng focal person sa mga pinagsama-samang central desk ng media sa PTV.

Nakatakda namang pumunta si Ruiz sa Commission on Elections office sa Intramuros, Manila para talakayin ang magiging coverage, araw ng Lunes, binigyang-diin ang mas mabilis na election results update atalisin ang fake news.

Ang 24/7 threat monitoring ay iniluansad araw ng Biyernes para protektahan ang integridad ng eleksyon laban sa mga nagpapakalat ng fake news.

“Para pagka may fake news, agad-agad na iti-take down ang mga fake news kasi syempre nakakagulo iyan, lalo na may nagsasabi na may nangyayaring dayaan dito or failure of elections sa isang lugar,” ang pahayag ni Ruiz. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here