Home NATIONWIDE PBBM sa Pinoy voters: Mga kandidatong tapat, may malasakit, at may kakayahang...

PBBM sa Pinoy voters: Mga kandidatong tapat, may malasakit, at may kakayahang magsilbi piliin

282
0

MANILA, Philippines- Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga botante na gamitin ang karapatan at gampanan ang pananagutan bilang mamamayang Pilipino ngayong halalan.

Para sa Chief Executive, isa itong pagkakataon para marinig ang boses ng bawat isa at maipahayag ang mga pangarap na mahalaga para sa kanila at sa bayan.

“Iba’t iba man ang ating paniniwala, ‘yan ang diwa ng demokrasya. Pero ang pagkakaiba ng opinyon ay hindi dapat mauwi sa gulo o pananakot. Ipinaglalaban natin ang kinabukasan sa balota. Hindi sa lansangan. Hindi sa karahasan,” ayon sa Pangulo.

“Kaya bumoto po tayo. Piliin ang tapat, may malasakit, at may kakayahang magsilbi,” dagdag niya.

At sa mga kandidato, ang pakiusap naman ng Pangulo ay igalang ang proseso at tapusin ang halalan nang may dangal at katahimikan.

“Magtulungan po tayo upang mapanatili ang isang maayos, mapayapa, at makatarungang halalan,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos sabay sabing, “Maraming salamat. Mabuhay ang sambayanang Pilipino. Mabuhay ang ating demokrasya.” Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here