Home METRO Mga taga-suporta ng 2 grupo sa Marawi City nagkagulo; ACM binuhusan ng...

Mga taga-suporta ng 2 grupo sa Marawi City nagkagulo; ACM binuhusan ng tubig ng poll watcher

299
0

MANILA, Philippines- Nagkaroon ng kaguluhan sa mismong araw ng halalan sa Marawi City.

Sumiklab ang away sa pagitan ng mga taga-suporta ng grupo sa Barangay Sagonsongan, kung saan pati mga botanteng nasa loob na ng presinto ay kinailangang lumabas habang namagitan naman ang mga pulis at militar sa mga nag-aaway.

Gayundin, nagkaroon ng pagkaantala sa botohan sa isa pang presinto sa lungsod bunsod ng pagbasa ng tubig ng isang poll watcher sa automated counting machine.

Hinintay pa ang contingency machine mula sa munisipyo upang matuloy ang botohan.

Nagkaroon din ng insidente sa isang paaralan sa Marawi, kung saan dalawang poll watcher ang nagsuntukan. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here