Home NATIONWIDE TINGNAN: Mga personalidad na nakaboto na sa Cavite

TINGNAN: Mga personalidad na nakaboto na sa Cavite

298
0
oplus_2

Maagang bumoto si Comelec Chair George Erwin Garcia sa Silang Central Elem. School, Cavite kung saan bago ito bumoto ay nagmonitor pa ito sa early voting hours para sa mga senior citizen, PWD, at mga buntis.

Ang mag-amang Remulla naman na sina Secretary of Justice Crispin ‘Boying’ Remulla kasama ang dalawang anak nito na sina Reelectionist ng 7th District, Cavite Congressman Ping Remulla at Gobernatorial aspirant Abeng Remulla ay bumoto naman sa Tambo Malaki Elementary School, Indang, Cavite.

Samantala, sabay-sabay namang bumoto ang buong pamilya Revilla sa Panapaan Elementary School sa Bacoor na kinabibilangan nina Senatorial Candidate Bong Revilla, Bacoor City Mayor Lani Mercado Revilla, Vice Gubernatorial Candidate Ram Revilla at Bryan Revilla ng Agimat Party List.

Alas-6:36 naman ng umaga nang dumating sa Bayan Luma 1 Elementary School si Senatorial Candidate Ping Lacson upang bumoto.

ng dumating sa Buhay na Tubig Elementary School si Mayor Alex AA Advincula na tumatakbo bilang Mayor ng lungsod ng Imus kasama ang maybahay nito na si Leni Advincula.

Dakong ala-1:30 ng tanghali sumunod naman bumoto si Congressman AJ Advincula na tumatakbo bilang Congressman ng ikatlong Distrito sa Brgy. Buhay na Tubig Elementary School

Napag-alaman na na nasa mahigit sa 16,000 registered voters na may 20 precint ang Brgy Buhay na Tubig na isa sa pinakamalaking barangay sa lungsod ng Imus. Marge Rivera

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here