Home NATIONWIDE Anti-Dynasty Law muling ipinasisilip ng CHR sa Kongreso

Anti-Dynasty Law muling ipinasisilip ng CHR sa Kongreso

247
0

MANILA, Philippines – ITINUTULAK ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagbabago sa electoral system kasunod ng 2025 midterm polls.

Hinikayat din nito ang Kongreso na bisitahin o silipin ang batas laban sa political dynasties.

Sa isang kalatas, pinuri ng CHR ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagsisikap nito na gawing mas inclusive ang halalan, kabilang na ang inobasyon ng maagang pagpapaboto sa vulnerable sector, ang maayos na proseso para sa eleksyon sa mga detention facility sa buong bansa, at mas malakas na hakbang na ikinasa laban sa vote-buying at election-related disinformation.

Inirekomenda naman ng CHR ang mga hakbang para sa isang mas magandang karanasan sa susunod na eleksyon.

Sa katunayan, itinutulak ng CHR ang better inclusivity sa panahon ng eleksyon kasunod ng mga napaulat na may mga polling precincts na kulang sa rampa, shaded waiting areas, gumaganang accessible restrooms, o wheelchairs.

Inirekomenda naman ng CHR ang exclusive voting centers para sa vulnerable sectors na matatagpuan sa mga malls o implementasyon ng roving ballots sa ilang lugar.

Sinabi ng CHR na kailangang tiyakin ng Comelec na ang mga vulnerable voter ay dapat na fully informed ng kanilang karapatan at opsyon sa impormasyon.

Kinakailangan na magpatupad ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mas malakas na security approaches sa mga election hotspot. Kailangan din na magsagawa ng transparent na imbestigasyon habang ang mga suspek ay dapat na papanagutin para sa mga insidente ng karahasan.

Sa kabilang dako, hiniling ng CHR sa Kongreso na muling bisitahin o silipin ang Anti-Dynasty Law, at hinikayat ang Comelec na suportahan ang political party reforms, campaign finance regulation, palawigin ang political participation programs para sa mga kababaihan, at magpalathala ng gender-disaggregated data.

Kailangan din na magsagawa ang Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Education, at mga media organization ng digital literacy at civic education initiatives, habang ang mga social media companies ay kailangang papanagutin dahil sa pagkabigo na i-moderate ang content.

Dapat na iprayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng vulnerable voters sa gitna ng tumitinding weather patterns sa pamamagitan ng pagkakaroon ng shaded waiting areas, sapat na bentilasyon, hydration stations, at heat mitigation measures.

Sinabi pa ng CHR na ang election violence at nagpapatuloy na political dynasties ang mga pangunahing alalahanin sa eleksyon.

Binigyang-diin din nito ang mahalagang papel ng mga mamamayan na panindigan ang electoral integrity sa pamamagitan ng pagrereport ng mga paglabag at pagtutol sa mga insidente ng iregularidad at vote-buying.

“While the 2025 elections reflect progress in participation and innovation, persistent barriers to full inclusion, safety, and informed decision-making must be addressed through sustained reforms… The CHR remains committed to working with government agencies, civil society, and communities to realize an electoral process that is fully rights-based, inclusive, and democratic,” ang nakasaad sa kalatas. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here