Manila, Philippines- Palaisipan sa mga Batangueño ang ‘di pagsipot ni Batangas Governor-elect Vilma Santos sa mismong araw ng proklamasyon.
Tanging ang anak niyang si Ryan Christian Recto na nagwaging Congressman sa 6th district ang sumipot.
Nang usisain about his mom’s absence, sinabi ni Ryan na gusto raw munang makasama’t makapiling ng ina ang apo nitong si Baby Rosie o Peanut.
Where else could Vilma be kundi sa bahay ng anak na si Luis Manzano na hindi pinalad bilang Bise Gob niya.
Hinala ng marami, posibleng sinamahan ni Vilma si Luis sa panahong he needed to get his mind off ‘yung pagkabigo niya.
Kumbaga, Vilma wanted to be around for her son.
Duda rin ng iba, paano nga raw pakikitunguhan o haharapin ni Vilma ang Vice Gov-elect na si Dodo Mandanas na tumalo sa kanyang anak by leaps and bounds?
Kahit naman paano, iniiwasan ding i-rub in ni Vilma sa kanyang sarili ang ‘di inaasahang kabiguan ni Luis.
Hindi raw niya siguro maimadying nakikipag-chummy-chummy siya sa sumilat sa tagumpay ng anak niya.
Kinontra naman ito ng ilang political pundits–having spent so many years in local politics, sanay na raw si Vilma na makisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao. Ronnie Carrasco III