Home NATIONWIDE Defense Cooperation Pact nilagdaan ng Pinas at Germany

Defense Cooperation Pact nilagdaan ng Pinas at Germany

MANILA, Philippines – Nilagdaan ng Pilipinas at Germany ang isang kasunduan para sa pagpapalalim ng ugnayang pang-depensa sa Berlin, ayon sa Department of National Defense (DND) nitong Mayo 15, 2025.

Pinirmahan nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at German Defense Minister Boris Pistorius ang kasunduan na naglalayong palawakin ang kooperasyon sa larangan ng cybersecurity, logistics, defense armaments, at UN peacekeeping.

Ang bagong kasunduan ay dagdag sa umiiral na 1974 agreement para sa pagsasanay ng AFP personnel sa Germany.

Matapos ang lagdaan, inaasahang magkakaroon ng 3rd Philippines-Germany Security and Defense Staff Talks upang itakda ang mga proyektong isasagawa sa 2026.

Dumalo rin si Teodoro sa UN Peacekeeping Ministerial Meeting sa Berlin upang muling pagtibayin ang suporta ng Pilipinas sa pandaigdigang kapayapaan, kasabay ng kampanya ng bansa para sa isang non-permanent seat sa UN Security Council. RNT